Yey!! Pwede ng gumastos kaso wala akong kickback. :3
Aminin ilan talaga yan sa mga hinahanap natin sa isang lalaki. Pero wala pa ring makakatalo sa gwapong ugali. Yung tipong.. super mabait, gentleman, maaalalahanin, basta yung tipong pwede ng ibida sa movie. Ang uso kasi ngayon, mga lalaking gwapo. Yun agad tinitignan e tapos saka na yung ugali. Kaya madaming nasasaktan e, madaming naloloko. Pero hindi naman porket gwapo manloloko agad at hindi maganda ang ugali. Nagkataon lang na yung mga nakikilala nating gwapo e hindi kagandahan ang ugali. Sa panahon kasi ngayon, ang hirap ng hanapin yung lalaking gwapo na, super mabait pa at gentleman at maaalalahanin at kung anu-ano pang magandang ugali meron siya. Nagtatago ata sila.
Sana lahat ng lalaking makikilala natin at papaibigin tayo ay katulad ng mga lalaki sa movie. Yun naman gusto ng karamihan ng girls e. Yung pang-movie na story.
(Source: engineernakobukas)
Nung highschool pa lang ako, alam ko ng mababa na talaga ang grade na tres sa College. Lalo na sa Engineering at mas lalo pa sa Accountancy kasi alam ko hanggang 2.00 lang dapat grade dun eh. Pero nung nagcollege na ako at nasimulan ko ng maramdaman ang pressure at hirap ng course na kinuha ko which is Electronics Engineering, ang tanging hinihiling ko na lang bawat semester ay pumasa sa mga subject na kinuha ko lalo na sa major subjects, okay na sakin kahit tres. Lalo na sa mga math, okay na okay na sakin yung tres, ginto na yun :). Tapos minsan may minor subjects na feeling major eh, hanep sa requirements, nakakainis. Pangdagdag sa mababang grades ko. Hehehe
Ilang minor subjects na lang pagdadaanan ko, makakapagfocus na ako sa major subjects! Kacareerin ko talaga tong course ko na ‘to!! :)
(Source: kulangotsapisngi, via shoutyourwhisper)
(Source: engineernakobukas)
May mga tao talagang hinihintay ka lang magkamali, may maipintas lang.
Ang hirap naman kasing pakinggan yung taong puro about sa kanya na lang ang pinaguusapan eh. Siyempre gusto mo rin naman ng moment. Yung ikaw naman yung papakinggan niya.
Gusto ko talaga tong mala-bashang hair. Kaso parang ang hirap ayusin :)
Ang nakakalungkot.. super effort ka sa isang post tapos natabunan lang ng ibang post. Nakakaiyak. Haha!
Naiinis ako sa mga lalaking ina-add ako sa facebook tapos pag tinignan ko mutual friends puro babae. Hala? Ano yun? Bakit ako napasali sa mga nais niyang iadd? Charot! Hahaha. Pero srysly, sila yung mga taong walang magawa sa buhay. Nangongolekta ng chicks sa facebook.
(Source: engineernakobukas)
Narealize ko lang, hindi pala porket gusto mo na yung isang tao eh gusto mo na rin lahat-lahat ng ginagawa at sinasabi niya. Minsan mapapansin mo rin talaga yung kamalian at pagkukulang niya sa mga bagay-bagay. Dapat talaga kinikilala mo muna ang isang tao bago mo sabihing gusto o nagugustuhan mo na siya kaysa naman sabihing gusto mo na siya agad kahit hindi mo pa siya talaga kilala .
(Source: engineernakobukas)
Naguumapaw ang kaligayan ko tonight. And I don’t even know why. Oh why? :D
Kachat ko mga kaibigan ko, kachat ko siya, may kaTA na makulit, ang ganda ng background music. Nakakagood vibes. :)
Sana NBSB na lang ako para may maipagyayabang ako ngayon kahit papa’no. :D