Nanonood siya ng hangover 2. E nagtanong siya kung nasaan si teddy. Sinagot ko lang naman tanong niya, ayan nagdrama. Hahaha. Naalala ko tuloy yung sa walking dead sinabi ko kasi na may mamamatay na bida.. galit na galit siya e. Haha.
Napatunayan kong masama talaga ugali ko. Haha. Selfish ako. Tatry ko ng magbago bago pa mawala yung taong mahalaga sakin at mahal na mahal ko. Susubukan kong intindihin muna ng maiigi ang sitwasyon bago ako maginarte at magdrama. Susubukan ko ding piliin yung mga salitang bibitawan ko, palagi kasi akong nakakasakit kapag galit ako (sino bang hindi?). Haha. Yun na lang siguro muna.. unti untiin ko e. :)
Gusto kong makita tsaka makasama ka kahit saglit lang. Palagi akong umaasa na mapupuntahan mo ako agad agad kapag kailangan kita pero wala e, ako yung kailangang magadjust sa schedule mo. Nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot.
Madalas na kong nagkakaganito, iyak ng iyak. Nasasaktan na kasi ako talaga. Eto yung ayaw na ayaw kong mangyari pero eto pa yung madalas kong nararamdaman. Ang saklap pa kasi hindi ko maramdamang may kakampi ako. Ramdam kong magisa ako at solo ko mga problema ko. Ang sakit sobra.
Pati sa pamilya ko pakiramdam ko hindi ako kasali. Yung mga pinsan ko, hindi ko sila kilala at kaclose. Kaya si ate ang bumibida kasi siya yung kilala ng mga kamaganak namin. Naiinis ako kasi kapag tinatanong kung sino ako, pupuriin lang ako konti tapos tapos na. Ni walang mapagkwentuhan. Naiinis ako kasi ganito lang ako.
Naiinis ako kasi dahil sa ganito ako.. maghihiwalay pa ata kami ng taong mahal na mahal ko.
Sana naging ibang tao na lang ako. :)
Nakakainis na nakakaiyak yung aminin mo sa sarili mo na sobrang mahal na mahal niyo yung isa’t isa pero hindi naman talaga pwedeng maging kayo. :’(
Ganito kasi. Kaninang 11am di na siya nagtext kasi lowbat na cellphone niya. Ay hindi pala lowbat empty pala. Nung 3pm ako naman nagcharge ng cellphone tapos 4:30 ata nagtext siya nakauwi na siya at tapos na siyang maligo nun, e nagchacharge pa cellphone ko so di ko nareplyan tsaka sobrang inaantok ako e balak kong matulog na lang. Text na siya ng text pero di ako nagrereply kasi gusto ko na talagang matulog, kapag kasi nagreply ako baka hindi na naman ako makatulog. 6pm ata nagtext ako sabi ko naiinis ako kasi di ako makatulog ganun nagkatext kami saglit tapos nakatulog na ko. 9:30 ako nagising tapos siya naman yung tulog hanggang ngayon. Di pa kami nakakapagusap ng matagal. :(
Isa sa mga bagay na kinatutuwa ko paggising ko ay ang makita yung ganito. Hindi ko sinasadyang hindi to sagutin para lang may maipost akong ganito, hindi talaga ako nagigising kasi malamang nakasilent ang phone di ba pero ayan siya.. walang sawang tumatawag para lang gisingin ako. Salamaaaaat. Di ka nagsasawang gawin to. :)
Drama ko diba. Ngayong gising na ako ikaw naman ang tulog baby. Pano yan? Wala akong pantawag. >.
Magkukwento ako.. haha
Kagabi, 8 na kami umalis ni mama. Excited pa ko kasi first time ko mageeroplano e. Nakarating kami agad sa airport.. charot nagbus lang kami.
Habang nasa bus.. kung ano anong naiisip ko. Kung pagdating ko ba dun maiiyak ako, yung mga pinsan ko ano na kayang nangyari sa kanila basta.mga ganun. Okay, wala munang drama. Nung nasa byahe kami naaalala ko si Randolf sa mga nakikita ko sa daan e. Bike, yung billboard na may magkahawak ng kamay, yung bus mismo kasi naiimagine ko katabi ko siya. Naiisip ko lang na siguro kung kasama ko siya sobrang saya ka siguro at di ko makukuhang magdrama ni isang minuto.
Yun lang naman yung sa byahe chuchu.
Nung nakarating na kami kila tito.. umiyak ako. Di ko talaga akalaing iiyak ako ng ganun kagrabe. Nakita ko kasi si tito na ganun.. ayoko ng magkwento dun naiiyak lang ako.
Ayun lang naman. Haha. Gustong gusto ko magblog kagabi kasi wala talaga akong magawa at kausap kaso lamonaman ang wifi may password. Damot damot parang kami e. Yun lang. Haha.
Mas gugustuhin ko na lang maging sobrang seryosong tao at maging okay tayo palagi kaysa maging masayahin at puro joke ang sinasabi ko tapos puro tampo naman napapala ko sayo.
Hayahaaaaay. Haha.
Napakadali kong magkacrush sa lalaki lalo na kapag palangiti, makapal ang kilay at bilugan ang mata.
Kadalasan, nagkakagusto ako sa lalaking hindi naman pala talaga tunay na lalaki, malalaman ko na lang sa ibang tao na hindi pala babae ang gusto niya.
Kapag ang babae.. maputi, may braces, bilugan ang mata, matangkad, payat, at maganda ang buhok.. sure na magugustuhan ko talaga. Pero hindi gusto na as in gustong gusto. Saktong gusto lang.
Okay, ano ang pinaglalaban ko? Wala. Ang bilis ko lang talagang magkagusto sa isang tao kahit ano o sino pa siya.
Kainis tong si ate. Lahat na lang ng reaksyon ko, lahat ng sinasabi ko, lahat ng kinukwento ko, lahat ng kilos ko, bawat paghinga ko kinakagalit niya. Ano ba ‘to wala na kong nagawang tama? Sungit sungit.
yung mas matakaw pa sayo yung girlfriend mo. grabe lang. haha.
Ang saya saya ng pimple sa mukha ko.
Naknampupu naman. Wala akong kausap tapos minuminuto pang nagsesermon yung librarian. Kaasar.